Ika-9 na Porum ng Kabuhayang Tsino, ginanap

2018-01-14 14:27:07
Beijing - Idinaos nitong Sabado, Enero 13, 2018, ang Ika-9 na Porum ng Prospek ng Kabuhayang Tsino na may temang "Kabuhayang Tsino sa Bagong Siglo." Ang porum ay magkakasamang itinaguyod ng Sentro ng Pananaliksik sa Pag-unlad ng Konseho ng Estado ng Tsina, China Economic Times, Akademya ng Pananaliksik sa Kabuhayan ng Konseho ng Estado ng Tsina. Sa kanyang talumpati sa porum, ipinahayag ni Li Wei, Puno ng Sentro ng Pananaliksik sa Pag-unlad ng Konseho ng Estado ng Tsina, na ang pagpapasulong ng pagsasakatuparan ng malusog na pag-unlad ng kabuhayan ay angkop sa di-maiiwasang pangangailangan sa pag-unlad ng bansa. Aniya, ang kasalukuyang taon ay mahalagang taon upang mapasulong ang mainam at malusog na pag-unlad ng pambansang kabuhayan. Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino